1 week ago

Hindi ko talaga makakalimutan na muntikan na akong mawalan ng grade dahil kinalimutan mong ilagay yung pangalan ko sa mga group works. Saka ‘yung panlalait mo sa uri ng pamumuhay na mayroon kami samantalang wala ka naman sa lugar para sabihin ‘yun. Hindi kita pinilit pumunta sa bahay namin, in fact, mas nag-aalala ako na baka may masabi ka lang kapag nagpunta which happened naman.

Wala lang.

I-UNFRIEND MO NA ‘KO. I CAN’T UNFRIEND YOU, EH.

Naging masama na lang din siguro ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Promise

Di na ‘ko magiging observant at maingay. Sa Facebook na lang. :P

Swear.
Relieved.

Pero alam mo, sa totoo lang, ako pa lang ang simula mo. Hindi mo kasi alam na napakarami pang taong nakakaramdam ng tulad ng nararamdaman ko, pero mas matindi pa, yung tipong gusto ka nila isumpa. At kung maririnig mo sila, mas masasaktan ka lang. Kasi alam mo, mas matitindi yung mga kinikimkim nila sayo. Ayoko na lang sabihin kung sino yung mga yun at kung ano yung mga sinasabi nila kasi hindi ako tulad ng taong pinakinggan mo na nantatarak patalikod, nag-iiwan pa ng mantsa. Maliban na lang kung ikaw yung nakarinig. Much better. Wala akong masasabi ron.

Ang daldal ko lang talaga. Sana nag-ingat ako. But I am really apologetic. 

2 weeks ago
downcastglance

I didn’t want my post to look that way. Inayos ko siya  kasi nga feeling ko super compressed but our ‘dial-up’ connection didn’t bear with me. Hahaha. Salamat pa rin, dre. <3

I posted this on my Mom’s Facebook timeline. You see, I really am not an English writer. Hehe. I don’t give gifts during special occasions because I think of it as conventional (ang totoo, scarcity ang reason, ipokrita). Gumagawa ako ng ganito ‘pag tulog siya o kaya wala siya kasi nang-aasar ‘yun ‘pag nakikita niya ‘kong gumagawa ng ganito.

TRUST HER.

Maniwala ka na naka-chat mo siya gamit ang Facebook account niya.

Maniwala ka kapag sinabi niyang di niya kaya bumili ng DSLR camera.

Maniwala ka kapag sinabi niyang ite-text ka niya kahit ang networks niyo ay magkaiba.

Maniwala kang kaya niyang maglaro ng Bejeweled wan tu sawa.

YES, TRUST HER.

Maniwala ka kapag sinabi niyang titiktikan ka niya kasi ikaw daw ay lakwatsera.

Maniwala ka kapag sinabi niyang hindi ka pwedeng gumala.

Maniwala kang alam niyang nagsisinungaling ka.

Maniwala kang kaya niyang komprontahin ang mga ipokrito mong kaibigan at kasama.

AGAIN, TRUST HER.

Maniwala ka kapag sinabi niyang kaya niyang magpatawa.

Maniwala ka kapag sinabi niyang sintunado ka.

Maniwala ka kapag naaalibadbaran siya sa kolorete mo sa mukha.

Maniwala kang alam niyang in love ka kahit habambuhay mong hindi ipinahahalata.

WELL, TRUST HER.

Maniwala ka kapag sinabi niyang hihina ang utak mo kakakain ng tsitsirya.

Maniwala ka kapag sinabi niyang manlilibre siya sa McDo kapag gusto niya.

Maniwala ka kapag sinabi niyang bawal ang maasim ‘pag mayroon ka.

Maniwala kang kaya pa rin niyang magbawas ng timbang kahit “thunder” na siya.

COME ON, TRUST HER.

Maniwala ka kapag sinabi niyang ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaruming pulitika.

Maniwala kang makaDiyos pa rin siya kahit palagi niyang kinokondena ang sistema ng Simbahang Katolika.

Maniwala ka kapag sinabi niyang wala siyang pera.

Maniwala kang pwede niyong pagtsismisan ang kung anu-anong balita.

TRUST HER.

Maniwala ka kapag sinabi niyang maganda at matalino ka.

Maniwala ka kapag sinabihan ka niyang tamad ka.

Maniwala ka kapag sinabi niyang papunta ka pa lang, pabalik na siya.

Maniwala ka sa mga pinagdadakdak niya.

Maniwala ka na alam niyang mahirap ang buhay-pamilya.

Maniwala ka kapag sinabi niyang galante ka na oras na magkatrabaho ka na.

Maniwala kang kaya niyang makipagwagwagan kapag naaagrabyado ka. Maniwala kang hindi ka niya hahayaang mapasama.

Maniwala kang ikaw/kayo ang buhay niya.

Maniwala kang mahal na mahal ka niya.

Maniwala ka dahil nanay mo siya.

TRUST HER. SHE’S YOUR MOM.

Haaaay, sa wakas, natapos din. Ang sakit sa daliri mag-type, ah. Buti hindi mo nakitang ginagawa ko ‘to kundi aasarin mo na naman ako tapos siyempre, di ko na ‘to matatapos. XD Ganito ganito lang ulit, wala kasi akong pera, eh. Wahahaha. Happy Mother’s Day, Muhmmaaaaah! Mahal na mahal ka namin nina Papa at Kuya kahit di halata. Bwahahahahaha. ♥ Trust me, I’m your daughter. :D

2 weeks ago
Kailangang-kailangan ko ng DSLR ngayon. :(
1 month ago
Tatlong araw na puyatan ‘to. XDDDDD

Good luck sa eyebags. Sana magpass sila kahit ngayon lang.


Chalk Board theme